Speak for the trees!
Dr. Seuss’ “The Lorax” Part 1
Dr. Seuss’ “The Lorax” Part 2
Baka sakaling makatulong: http://twentyfive.hubpages.com/hub/Speed-up-Slow-Smart-Bro-Connection-Reboot-Your-Canopy
“Everyone here knows the better Pinoys all went overseas to Singapore, Hong Kong and the states. Those remaining behind are the average Joe.” Quoted from Johorian (sinuman siya).
Kinuha ko ang comment sa post na ito: http://www.cnbc.com/id/45333518/Invest_in_Philippines_the_Dark_Horse_of_Asia_Expert
hi, mano, i’m here. sorry,now lang nagka time. sobrang busy, sa haws, sa skul, hay, kelan kaya matatapos ang routine… hope ur doing fine… miss you na. musta kay baby at kay marissa..
OK naman kami, at ang baby ay hindi na nga baby kundi isa nang batang makulit. Mas malimit ko nang gamitin ito kaysa sa FB, kaya kung kailangan mo ako, dito mo lang ako matatagpuan. Dito tayo magkuwentuhan! Magsulat ka na uli.
Puwede mo nang ipromote ang sarili mong website dito: http://madlangpipol.com/koneksyon.
Puwedeng lagyan ng logo gamit ang URL nito. Puwede ang JPG atbp. kahit PNG lang ang sinabi sa instruction. Subukan mo.
Kuwento ni mama, narinig niyang inaya ni Geeboy sa bahay ang mas malalaki niyang kalaro – para magbasa. Walang gustong sumama, at sagot pa ng isa, “Gagradweyt na nga ako. Tapos na kami sa Reading.” Hehehe… ikaw, gradweyt ka na rin ba?
Walang mali sa pag-iingles. Mabuti ang matuto nito at ng iba pang wika. Ang mali ay ang iniisip nating kagalingan ng Ingles kaysa sa sariling wika. Ang lalong mali ay kung iniisip mong mas magaling ka sa Ingles kaysa sa sariling wika – pero hindi naman!
At ang maling-mali ay kung hindi ka magaling sa Ingles man o sa sariling wika.
Bilang tugon naman sa kaibigang manunulat, Genaro Gojo Cruz sa kanyang FB post: Si Rizal nagsulat sa Espanyol dahil KAILANGAN sa panahong iyon. Kailangan niyang ipakitang kayang matutuhan ng indio ang kayang matutuhan ng mga Kastila. Kailangan ding sa Espanyol siya magsulat dahil gusto niyang maipabatid sa mga mamamayan ng Espanya ang kabulukang nangyayari sa Pilipinas. Isa pa, kahit nagsulat si Rizal sa Espanyol, nag-aral pa rin siya ng iba pang wika, at kailanman, hindi niya inisip na mas superyor ang isang dayuhang wika kaysa sa katutubong wika. Maraming kaibahan si Rizal sa mga kabataan natin ngayon.

Buong buhay na sinikap ng magkaibigang Claudia at Deborah na magpakabuti. Nang mga bata pa sila, dumadalo sila sa lingguhang Katesismo sa kanilang parokya. Gayundi’y wala silang liban sa pagsisimba at lagi silang nangungumpisal.
Sumasali rin sila sa mga gawain ng Simbahan gaya ng mga nobena at prusisyon sa lahat ng banal na kapistahan. Malamang, ni isa sa Sampung Utos ay hindi nila sinuway, at naging masunurin din sila sa kanilang mga magulang.
Nang mag-asawa at magkaroon ng kanya-kanyang pamilya, sinikap din nilang ilapit sa Diyos ang kanilang mga kabiyak at anak. Naging mga modelong Kristyanong pamilya sila, at nakita ng buong bayan kung paanong pinagpala ang kanilang pamumuhay.
Ginawa nila ang lahat ng iyon dahil naniniwala silang may kabilang buhay, at minsan nasabi ni Deborah, “Siguradong sa Langit tayo mapupunta.”
At sumapit nga ang araw na iyon, gaya ng dapat asahan ng sinumang nilalang. Sabay na pumanaw sina Claudia at Deborah nang may makabanggaan ang sinasakyan nilang taxi mula sa paliparan. Kagagaling lang nila noon sa isang pilgrimage sa Holy Land.
Kagyat silang inihatid ng mga anghel sa harapan ng Diyos na punong puno ng busilak na kaningningan, walang kaparang kagandahan na hindi kayang malasin ng sinumang mortal. Sabik nilang hinintay ang paanyaya ng Maykapal na sila’y manirahan sa mga silid na itinakda sa mga hinirang.
Subalit ang pananabik ay nahalinhan ng malagim na kalungkutan – at kakatwang nangusap ang nagmumurang Diyos sa pamilyar na wika nating mga mortal:
“Go to hell!” Umalingawngaw iyon nang ilang ulit – “Go to hell!”
Naunang tumangis si Deborah, at ang nakahihindik niyang tili’y sumaklot sa bawat kaluluwang nakapila roon. Lubos niyang inasahan ang Langit na kapalit ng kanyang pag-ibig.
“Bakit, Panginoon? Ito’y hindi makatarungan!” Noon di’y nilamon ng galit ang kaniyang kaluluwa at agad naging impyerno ang kaniyang paligid.
At si Claudia, ano’ng magagawa niya? Kung iyon ang nais ng Diyos, hindi ba dapat lang na siya ay sumunod?
Walang narinig ni gaputok mang pagtutol mula kay Claudia. Tumalikod na siya at tahimik na tinungo ang impyerno.
Hindi pa man siya lubusang nakalalayo, nang manggilalas ang lahat sa kanilang namalas – pagkat tila kandilang hinihipan ang bawat dila ng apoy na kanyang tapakan, at ang nagliliyab na dagat-dagata’y nagmistulang malamig na batis sa kanyang paanan.
At pagkuwa’y narinig niyang tinawag ng Maykapal ang kanyang pangalan.
+ + +
“At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!” 1 Corinto 13:3

Digital Catholic Bible (0)
This software was born in mid November 2007 as a result of the lack of a freeware program to work properly with the Bible in its catholic translations (there exist software to do this but it is not freeware and/or it is not catholic).
The goal was to generate a program able to allow any catholic person with a windows pc to read the Bible, perform searches in it, bookmark versicles, etc., just for free and without an internet connection.
That is why the program supports several languages, in theHoly Bible versions as in the program interface itself.
The author’s lack of enough spare time to dedicate to this project was remarkable, but God made his part and here is the software finished as of March 2008.
The author, an ex-atheist converted to christianism since 2003, and to catholicism since mid 2006, asks for prayers for the collaborators of this project, and for his parents, his sisters, his nephew and his godsons, and for himself. (www.digitalcatholicbible.com)
Pormula sa Tiwala sa Sarili (0)
Salin sa Filipino ni Manolito C. Sulit ng “Self-Confidence Formula” mula sa librong Think and Grow Rich ni Napoleon Hill. Ipamahagi sa wikang ito para sa kapakanan ng ordinaryong Filipino.
“Today you are You, that is truer than true. There is no one alive who is Youer than You.”
Dr. Seuss
“Today was good. Today was fun. Tomorrow is another one.”
Dr. Seuss
Paminsan-minsan may ipinasusulat sa akin ang ninong namin sa kasal para sa kanyang negosyo. Hindi ko na talaga kinukuwenta ito, dahil sabi nga, hindi na naman siya iba sa amin.
Pero mapilit si ninong, dahil ilang beses na rin niya akong tinext at sinulatan sa FB tungkol sa bill. Kaya napilitan akong balikan ang kanyang mga file at, dahil kayhirap presyuhan, binilang ko na lang ang dami ng salitang nagamit sa bawat piyesa. Umabot ito ng mahigit 2 libong salita.
Natatandaan ko ‘yung mga pinaedit sa aking libro, nabayaran ako mula 8 hanggang 10 libong piso bawat trabaho, e ang daming pahina. Kaya kung sisingilin ko si ninong ng piso kada isang salita, hindi na rin masama. Ineksakto ko na lang na 2 libong piso ang bill ko sa kanya. Parang tawad na lang ‘yung iba.
Ipinadala ko sa kanya ang bill kasama ang sumusunod na mga item:
Personal Testimony – 223 words
Letter to Puregold – 233 words
Letter of Invite (Livelihood Seminar) – 162 words
Brief History – 466 words
Company Profile – 306 words
Testimonials – 753 words
Mission, Vision – 69 words
TOTAL NO. OF WORDS – 2,212
Wala pa akong natatanggap na sagot kay ninong sa sandaling ito, at sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung mura o mahal ang singil ko. Pero ang talagang inaalala ko – ang “Mission, Vision” na siyang pinakamaikli sa lahat, ay matagal-tagal ko ring pinag-isipan.
Kung wala ka nito, idownload mo: “Pormula sa Tiwala sa Sarili” http://madlangpipol.com/download
How to charge for freelance writing: http://gableshomepage.com/conversations/2010/08/06/price-write-how-charge-freelance-writing
Sa edad na 3 taon nagsimulang matutong sumulat at bumasa si Geeboy. Nagawa niya ito nang halos sa sarili niyang kusa, matapos maituro ni Marissa sa kanya ang alpabeto. Masasabi kong sa mga kaedad niya rito sa amin, mas abante siya sa mga pundamental na kakayahang intelektwal.
Nang unang mabuksan namin ang ideya ng homeschooling sa aming mga kapamilya, pare-pareho ang reaksyon: paano siya matututo ng “socialization” kung hindi ninyo siya papapasukin? Hindi na kami nagtaka dahil sa mga artikulo sa Internet tungkol sa homeschooling, ito ang naitalang pangunahing reaksyon laban sa lumalaganap na pamamaraang ito ng edukasyon.
Si Marissa talaga ang nagbasa nang husto tungkol sa homeschooling, pati na sa mga blog ng mga mommy, daddy at anak na nag-aaral sa bahay. Pero kahit hindi ko masyadong inaalam ang bagay na ito, ang reaksyon ko: Suskupo! Socialization lang pala iyong may 15 o higit pang taong ginugol natin sa iskul! Napakagastos namang kurso sa socialization – at napakagastos ding kurso sa Ingles kung ito lang ang gusto nating matutunan kaya tayo nag-aral.
Para sa akin, ang pangunahing tunguhin ng edukasyon ay matuto at maging marunong ang mga mag-aaral. Kasama sa matututuhan niya ang pakikitungo sa kapwa (pakikipagkapwa) pero hindi lang sa iskul niya makukuha ito.
Nakapagturo ako sa lahat ng antas ng edukasyon at isang bagay ang aking napuna – may malaking discrepancy (di pagkakatugma) ang ating mga paaralan, tahanan at komunidad. Sa kaso nating mga Filipino, unang-una na ang paggamit ng wikang Ingles bilang wika ng edukasyon, gayong iilang porsyento lang ang gumagamit nito bilang unang wika ng tahanan–at lalo na bilang wika ng mga komunidad.
Kaya tila lumilikha tayo ng mga nakapag-aral at intelektwal na alienated sa kanilang lipunan at mga kababayan, na pagkuwa’y hahawak ng renda ng gobyerno at iba pang institusyon, kabilang na ang simbahan. Karaniwang hindi natin iniintindi ang impact nito sa ekonomiya, lalo’t bitbit ng kakayahang mag-Ingles ang mga impluwensyang dayuhan at ang kakabit nitong komersyalisadong pakay (isang simpleng halimbawa ang “mas” pagbili ng dayuhang libro o mas panonood ng pelikulang hollywood).
Hindi rin nagiging spontaneous ang mga mag-aaral sa loob ng iskul dahil kailangang naaayon sa mga patakaran ang kanilang ikikilos. Sa katunayan, natantiya na ng isang mahusay na guro sa kanyang lesson plan ang ikikilos ng mga mag-aaral kaugnay ng isang gawain – at ang kanilang “success” ay nakabase sa gradong matatanggap nila mula rito.
Kung ang habol lang ng mga magulang ay matutong makipag-socialize ang kanilang mga anak – hindi ang paaralan ang pinakamainam na lugar para rito.
Mas mabuting hikayatin nilang makisangkot sa mga gawaing pampamilya at pangkomunidad ang kanilang mga anak para maging spontaneous sila at matutong makitungo kahit kanino. Pagkat sa buhay – hindi lang ang mga guro, kaklase, kabarkada o best friend lang ang ating makikilala.
Hindi ako inaantok sa classical music. Kaya kong magpuyat sa trabaho na tumutugtog ito. (Habang nakikinig sa Lascia Ch’io Pianga ni Handel)
nadiga (pandiwa), nanunuyo sa Filipino, salitang ugat na diga (usap). Hal. “Parang nadiga yata sa iyo ‘yung kaibigan mo, ay di mo ga halata?” o kaya “Sino gang dinidigahan mo ngayon?” Kumusta naman ang mga nagdigahan sa Valentine’s Day? Nagkaige ga?
Palagay ko galing din sa common Batangueño expression na “di ga?” o “di ba?” – isang tanong na naghahanap ng pagsang-ayon o sagot na “oo”. Puwede! Dahil ganu’n naman talaga pag nanunuyo o nanliligaw, di ga?
May bago akong brief… photos available here: http://jtorrano.jeunesseglobal.com
supremo 6:45 am on May 18, 2012 Permalink
Tapat sa orihinal na akda